pasulong, at laging paisa-isa lang ang hakbang.
Tulad ng maraming mga bagay, kasama na ng araw-araw na routine ang paglalakad. Pagkabangon mo sa higaan, naglalakad ka papunta sa banyo o sa hagdan o sa kusina. Pag may kukunin ka sa ibang lugar, naglalakad ka. Basta, pag pupunta ka sa ibang lokasyon mula sa iyong kinatatayuan, syempre, maglalakad ka. (Liban na lang kung ikaw yung tipo ng tao na laging tumatakbo kahit saan at kahit kailan - may naging kaklase akong ganoon.) Medyo involuntary na kilos na yun. Pag naglalakad ka naman, madalas hindi ka malay na naglalakad ka nga - alam mo yun, masyado na tayong sanay.
Maraming nangyayari kapag naglalakad: puwedeng tingnan ang paligid, pagmasdan ang ibang mga tao, hayop, at bagay, o mag-isip, kausapin ang sarili, yung mga ganoong tipo ng gawain na magagawa mo pag nakaupo ka naman - pero may ibang karanasan pag naglalakad. Pag naglalakad ka kasi gumagalaw ka, umuusad. Nag-iiba ka ng lokasyon at lugar. Umuusad. Gumagalaw. May patutunguhan ka, sigurado yun. Hindi lang ang paligid mo ang gumagalaw. Ikaw din, gumagalaw. Kabilang ka sa mundo, at malaki ang mundong ito.
Kaya, sulong, at laging paisa-isa lang ang hakbang. Maging malay sa bawat hakbang.
Sabado, Agosto 7, 2010
Paglalakad:
Ipinaskil ni rachel sa 2:37 PM
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
2 (mga) komento:
buti ka pang nakapaghanda :(
nakapaghanda para sa? :(
Mag-post ng isang Komento