Miyerkules, Disyembre 9, 2009

Kasi gusto kong maniwala na maaga akong mamamatay.

Na walang taong tatagal sa pagmamahal ko, na mabagal ang progreso ng kakayahan ko (kung anuman 'yun), na may sariling wika ang mga tupi sa ating mga palad.


Kaya naman pagpasensyahan mo na kung nag-iiba ang tingin ko sa mundo, sa mga tao, at sa sarili ko. At dalawang beses na akong nasisita sa paghihingi ng tawad o pasensya sa isa o dalawa o higit pang bagay na hindi ko naman pagkakasala at hindi naman kasalanan, sa simula't sapul. Pero magkagayon pa man, pasensya pa rin.

Gusto kong isipin na maaga kong lilisanin ang mundong ito. Para bang sige, gawin na natin 'to, tapusin ko lang 'tong mga 'to, ta's larga na papunta sa kung saan pa man.

0 (mga) komento:

 
Blogger design by suckmylolly.com