Biyernes, Oktubre 30, 2009

Pasakit

Madalas na ikuwento sa min dati ni mama, na nung baby pa ako hinawakan ko raw yung takip ng kaldero ng bagong saing na kanin. Hinawakan ko raw, tapos umiyak daw ako nang umiyak kasi napapaso na ako. Pero hindi ko naman inalis yung kamay ko sa kaldero.


Lagi kong binabalikan yung kuwentong yun kapag, kunwari, naiihaw na pala ako ng init ng araw sa kinauupuan kong bench pero tinatamad akong lumipat ng ibang upuan. O di kaya'y inaatake ako ng dysmenorrhoea pero ni hindi ko man lang naisip na uminom ng painkillers. O pag nilalamok na pala ang aking mga binti pero wala akong pakialam. Basta, may pagka-masokista.

Ganito palagi.

0 (mga) komento:

 
Blogger design by suckmylolly.com